SIR CY LOVES YOU AND I LOVE YOU TOO!

Sa ilang taon ko ng pagtuturo sa kolehiyo, masasabi kong halos lahat na ng klase ng estudyante ay nakadaupang-palad ko na. Hindi maikakailang mahirap ang trabaho ng isang guro dahil bukod sa pagtuturo, kaakibat nito ang isang mabigat na responsibilidad. Para sa aking kauna-unahang blog  na nakasulat sa wikang Filipino, kilalanin ang iba’t-ibang uri ng estudyante na nakilala ni Sir Cy!

PILIPINAS GOT TALENT

Sila ‘yung mga estudyante ko na nag-uumapaw ang talent. Mapa-sayawan, kantahan, at acting-an. Kasama rin dito ang mga estudyante ko na sumasali sa mga pageants inside or outside the campus. Madalas ko silang makitaan na may hawak na excuse letter kapag papasok pa lang ako ng classroom. Kapag may mga university events, sila lagi ang nilu-look forward kong panoorin para masigurado ko kung worth it ba ang pagpirma ko sa excuse letter nila, sabay sigaw ng ‘Estudyante ko ‘yan!!!!’

MOMSHIE AND PAPSHIE

Isa sa mga nakakatuwang experience ko simula ng nagturo ako ay ang magkaroon ng mga estudyanteng ‘momshie’ at ‘papshie’ dahil madalas sila ang nananaway ng mga kaklase nilang makukulit at maiingay sa klase. Nakaka-proud na sa kabila ng kanilang edad ay pinili pa rin nilang mag-aral at makakuha ng sapat na edukasyon. Nung una ay naninibago ako sa ganitong klase ng mga estudyante pero kalaunan naman ay nasanay rin. Madalas ko silang kausapin ng may ‘po’ at ‘opo’ bilang pag-respeto.

SISTERET

Kung may ‘momshie at papshie’, hindi rin mawawala ang mga estudyante kong ‘sisteret’! Sila ay mga madre na kadalasan ay buddy system ang set-up kapag nag-enroll para hindi sila mag-isa. Sa loob ng klase, pakiramdam ko ang babait namin (Yes! Kasama ako!) at madalas nagsisimula kami sa prayer. Nakakatuwa na nakikipagbiruan din sila sa klase pero madalas ay tahimik lang sila. Bilang isang guro, kailangan ko ring mag-ingat sa mga salitang binibitawan ko, kahit ang sarap na minsang magsabi ng mga masasamang words! Hahaha!

BS Social Work 3-1 (2018-2019) World Literature class

PARANORMAL

Hindi na bago ang kwentong ‘paranormal’ sa eskwelahan pero hindi ko sukat akalain na makakaranas ako nito sa sarili kong klase. Sila ‘yung mga estudyante ko na bigla na lang magpapakita kapag midterms o kung kalian malapit ng matapos ang semester. Sila rin ‘yung mga estudyante ko na madalas absent pero present sa attendance. Scary!!!

KABUTE

Sila ang tipo ng mga estudyante na hindi ko madalas matandaan ang itsura at pangalan kahit natapos na ang semester kasi bihirang-bihira silang pumasok sa klase. May pagkakataon pa na napagkakamalan ko sila na mga nakiki-sit-in dahil sa kasipagan nilang pumasok. Balita ko, pinsan daw ito ni ‘paranormal’.

BINGO

Kapatid ni ‘kabute’ sa madalas na pag-absent dahil sumakit ang ganito, sumakit ang ganyan. Madalas ko siyang ipinagtatanong sa mga kaklase niya kasi kotang-kota na ang attendance sheet ko sa Stabilo kasi lagi siyang wala. Bingo ka na kay sir!

BS Tourism Management 2-1 (2018-2019) Speech Communication class

HABAGAT

Hirap akong tandaan ang itsura at mga pangalan nila ‘habagat’ kasi magkakamukha sila. Sila ‘yung mga estudyante ko na laging nakabukas ang polo, nakahikaw, amoy-yosi, madalas late sa klase at papasok na parang hindi ako nakita sa unahan. Madalas ko silang mapagsabihan sa klase pero nakakatuwa na sila pa ‘yung hindi mo inaasahan na ia-add ka sa Facebook at kalaunan ay nagiging kaibigan din pagkatapos ng semester. Sila rin ‘yung mga estudyanteng isisigaw ng ubod ng lakas ang pangalan ko kapag nakakasalubong ko sila sa hallway. ‘Apir’ ang aming friendship language.

PRANKSTER

Napagkakamalan ko silang may mga UTI kasi lagi silang nagsasabi ng ‘Sir, may I go out?’ kapag ako ay nagkaklase. May sa lubid ata ang ihi ng mga ito sa tagal bumalik. Magugulat na lang ako, may mga amos sila sa labi at minsan ay amoy turon, fishball o kwek-kwek ang hininga nila kapag nakabalik sa klase. Sir, it’s a prank!!!

ROCKETEER

Hanga ako sa mga ‘rocketeer’ kong estudyante dahil sa malalaki at mabibigat na backpack o kaya ay mga dalang eco bag. Minsan ay laman sila ng faculty room dahil ruma-raket sila sa pagbebenta ng mga graham balls at kung anu-ano pang mga kutkutin. Ang suki niya ay ang kaniyang mga kaklase pati na rin ako na lagi niyang pinagbebentahan after dismissal. Ang kita nila ang ginagamit nilang pambaon at pamasahe kapag may pasok. Bilib ako sa inyo!

BS Criminology 1-1 (2018-2019) Purposive Communication class

MANDIRIGMA

Hindi ko alam kung saang lupalop sila nagsisisuot bago pumasok sa klase ko pero lagi silang pawisan. Ang iba sa kanila ay pinsan ni ‘Pilipinas Got Talent’ dahil may excuse letter din silang inaabot sa akin at sasabihing may try-out daw sila sa paparating na U-Games. Madalas ang bungad nila sa akin ay, ‘Sir, papa-excuse po sana…’.

JOLLIBEE

Sila ang mga estudyanteng game na game sa mga individual at group activities lalo na kapag mga presentation. Dahil sa pagiging bida nila, sila ang kalimitan kong natatandaan sa klase at nakakakuha ng mataas na marka pagkatapos ng semester. May mga pagkakataon na si ‘Jollibee’ ay kung hindi student leader, ay valedictorian nung g-um-raduate nung high school o scholar ni Gov. Pogi, congressman at ni mayor.

SILENT SANCTUARY

Counterpart sila ni ‘Jollibee’ dahil mahihinhin sila at babahagya ko na marinig ang boses sa klase. Lagi naman silang napasok at nakikinig pero bihira mag-participate sa class discussions. Takot silang maging leader sa mga group activities pero ang nakakatuwa sa kanila kahit tahimik sila, madalas silang bumawi sa mga written assessments at mga exams! Kaya kapag nagsusulat ako sa class record, madalas kong tanungin ang sarili ko, ‘Sino nga ba ito?’ Hahaha! *peace emoji*

BS Agriculture 1-1 (2018-2019) Purposive Communication class

SLEEPING BEAUTY

Hindi ko alam kung ano bang ginagawa ng mga ito sa bahay kapag gabi pero sila ‘yung laging nakakatulog sa klase. Hindi ko masisisi ang ilan sa kanila lalo na kapag ‘siesta’ time ang schedule ng klase namin. Madalas ay napagkakatuwaan silang biruin ng kaniyang mga kaklase na hindi gigisingin after ng dismissal at ako pa ang uutusang mang-gising kasi kailangan ko ng i-lock ‘yung classroom. Kagagaling! Hahaha!

COKE FLOAT

Hindi mawawala sa listahan ng mga naging estudyante ni Sir Cy si ‘coke float’. Lagi siyang perfect sa attendance pero bihira ko makausap at laging nakatingin sa bintana. Hindi ko alam kung hindi ba niya nagugustuhan ang paraan ko ng pagtuturo o sadyang marami lang siyang iniisip. Malimit siyang magulat kapag siya ay tinatawag ko sa klase upang sumali sa mga talakayan sabay tanong sa akin ng ‘Ano po ‘yun, sir?’

PROJECT RUNWAY

Sila ang frontliner tuwing Miyerkules, kapag washday sa campus. Hindi maitatangging ‘OOTD is life’ ang motto nila ‘project runway’ dahil sila ay mga head-turner kapag naglalakad sa hallway at path walk. Suki  sila ng bleachers at grandstand o kaya ang bagong rubberized na oval at madalas ay may bagong post kaagad sa Instagram kasama ang sandamakmak na hashtags.

DAVID SALON

Sa tinagal-tagal ko na sa pagtuturo, laging present sa klase ko ang mga staff ng ‘David Salon’. Madalas sila ang mga ate ng klase at kalimitang napapakisuyuan na magtirintas ng buhok. Minsan ay may mga dala rin silang pangkulot o kaya’y mga make-up na nagiging instant pahiraman sa klase. Kapag dismissal, sila ang laging napapagtanungan kung maputi ba ang mukha pagkatapos mag-polbo o kung may dala ba siyang bagong liptint.

AB English 4-1 (2017-2018) Anglo-American Literarure class

Ngayong nakilala mo na ang mga estudyante ni Sir Cy, sino sa tingin mo ang iyong magiging at naging katulad? Maraming salamat sa pagbabasa! Bago tayo magtapos, ano nga ang sasabihin sa kaklase? #SirCyLovesYou

Published by Cyrel Rodriguez

Sir Cy is a full-time college instructor at Cavite State University-Indang Campus.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: